The Fighting Filipinos
This picture, taken by me at home, features a poster that made its rounds during the brief Japanese occupation in the Philippines during World War 2. In it, a Filipino man holds the Philippine flag in one hand, and a grenade in the other. It was likely a poster my grandmother, one of the first woman journalists in the Philippines, would have seen in one of Manila’s underground districts during the war. She was the kind of person who would not have agreed with western historians that it was the liberation of Manila, but that it was a battle of Manila, because that was a war we were forced into as colonial subjects—one that had severe repercussions in our country and in Manila, the second-most devastated city during the war.
As a nation, we have always been fighting—first, for freedom from our colonial masters. In the case of Spanish colonization, we fought for freedom from colonial rule; during the American occupation, we fought against what’s been called an imperial democracy. In recent decades, we have fought against despots and against corrupt governance. We have been fighting for human rights, and for the right to feed our families. No matter history’s course, Filipinos have always been fighting the good fight. We have not not been fighting for something.
These days, we are also fighting for press freedom which has been curtailed by the recent shutdown of one of our biggest media networks, and against the indictment of our strongest journalists. We are fighting for people like Maria Ressa, co-founder and CEO of Rappler, one of the leading news platforms in the Philippines. Ressa was arrested for cyberlibel in June 2020 for an article Rappler published in 2012—an article she did not author, and an article that existed before the cybercrime law had even been passed. Ressa is a known critic of the current administration; an administration that has proven to be creative in finding ways to persecute its critics as in the case of Ressa. Corollarily, we are also fighting against an anti-terror law that willfully misapprehends critics for terrorists.
I am fighting for the right for the publication of this small, spontaneous essay, which might be taken as critical of this government, when all it wants to do is engage the issues at hand. I am fighting for safe groceries and safe deliveries—which means bathing vegetables and meat in a diluted Lysol wash, before they go through normal dishwashing soap, and which also means greeting every stranger with a mask, a face shield, and surgical gloves. I am fighting for the right to mass testing, which will shed light on just how far this virus has reached in my own country, where most live below the poverty line, and where citizens live in such close quarters, the virus is one handshake or sneeze away from lethal consequences.
I am fighting for my right to be seen not as a woman writer, but as a writer—one who will be taken on the same merit as my male counterparts. I am fighting for the right not to endure any of the small assaults a woman faces every single day of her life.
During these lonely but dangerous days, I am fighting for the right to not have to fight for anything.
Die Unbeugsamen
Dieses Foto habe ich bei mir zu Hause gemacht. Es zeigt ein Plakat, das während der kurzen japanischen Besetzung der Philippinen im Zweiten Weltkrieg, 1942 bis 1945, im Umlauf war. Ein philippinischer Mann hält die Landesflagge in der einen und eine Granate in der anderen Hand. Wahrscheinlich hat es meine Großmutter, eine der ersten Journalistinnen auf den Philippinen, während des Krieges in einem der Untergrundbezirke Manilas gesehen. Sie war die Art Mensch, die westlichen Historikerinnen und Historikern widersprochen hätte, die bis heute von der ‚Befreiung Manilas‘ reden. Auch ich spreche, wenn es um den Kampf geht, der 1945 zwischen amerikanischen und japanischen Truppen in unserem Land entbrannte, eher von der ‚Schlacht um Manila‘. Denn mit der japanischen Invasion und der Rückeroberung der Philippinen durch die USA wurde uns, den Kolonialisierten, der Krieg aufgezwungen. Ein Krieg, der schwere Auswirkungen auf unser Land und unsere Hauptstadt hatte, die weitgehend zerstört wurde.
Als Nation haben wir Filipinos schon immer gekämpft. Während der spanischen Kolonialisierung kämpften wir für unsere Freiheit, bei der amerikanischen Besetzung gegen die ‚imperiale Demokratie‘. In den vergangenen Jahrzehnten haben wir gegen unsere eigenen Despoten und korrupten Regierungen gekämpft. Wir haben für die Menschenrechte gekämpft und für unser Recht, unsere Familien ernähren zu können. Schaut man in die Geschichtsbücher, dann stellt man fest: Wir haben nie nicht gekämpft.
Auch heute ist das so. Im Jahr 2020 kämpfen wir für die Pressefreiheit. Erst vor Kurzem wurden auf den Philippinen mehrere Medienhäuser geschlossen – und eine unserer bekanntesten Journalistinnen angeklagt. Maria Ressa, die Mitbegründerin des führenden philippinischen Nachrichtenportals Rappler muss sich wegen ihrer regierungskritischen Berichterstattung wegen „Rufmord und Verleumdung im Internet“ vor Gericht verantworten. Nicht zuletzt deshalb kämpfen wir auch gegen das sogenannte Antiterrorgesetz, mit dem der Staat Regierungskritik zu Terrorismus uminterpretiert hat.
Ich selbst kämpfe für das Recht auf Veröffentlichung dieses kleinen, spontanen Essays, der als regierungskritisch gesehen werden könnte, obwohl er nur offensichtliche Probleme ansprechen will. Ich kämpfe für sichere Lebensmittel, also dafür, dass Gemüse und Fleisch in verdünntem Lysol-Desinfektionsmittel gewaschen werden, bevor sie mit normalem Spülmittel gereinigt werden. Das bedeutet, jeden fremden Menschen mit einer Maske, einem Visier und OP-Handschuhen zu begrüßen. Ich kämpfe für das Recht auf Massentests, die Aufschluss darüber geben, wie es um das Coronavirus in meinem Land bestellt ist. Immerhin leben die meisten Menschen hier unter der Armutsgrenze – und auf engstem Raum. Viele sind nur einen Handschlag oder ein Niesen entfernt vom Tod.
Ich kämpfe auch für mein Recht, nicht als schreibende Frau gesehen zu werden, sondern als Autorin – eine, die genauso gewürdigt wird wie meine männlichen Kollegen. Ich kämpfe für das Recht, keinen der kleinen Übergriffe ertragen zu müssen, denen eine Frau jeden einzelnen Tag ihres Lebens ausgesetzt ist. In diesen einsamen und gefährlichen Tagen kämpfe ich für das Recht, für nichts kämpfen zu müssen.
Übersetzung: Iris Thalhammer.
(Diese bearbeitete Version ist ebenfalls in der Printausgabe der Zeitschrift KULTURAUSTAUSCH erschienen)
Ang mga Palabang Pilipino
Kinuha ko sa bahay namin ang larawang ito: Isang poster na umikot noong maikling pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito, hawak ng isang lalaking Pilipino ang bandila ng Pilipinas sa isang kamay, at ang isang granada naman sa kabila. Isa sa mga unang babaeng peryodista ng Pilipinas ang lola ko, at malamang nakita niya ang ganitong poster sa isa sa mga lihim na distrito ng Maynila noong digmaan. Siya ‘yung tipo ng taong hindi sasang-ayon sa sinasabi ng mga kanluraning istoryador na liberasyon ng Maynila; sa kanya, ito ang labanan sa Maynila. At isa itong digmaang ipinilit sa amin bilang kolonya—at na may malalim na talab sa buong bansa at sa Maynila, ang pangalawang pinakanapinsalang lungsod ng digmaang iyon.
Lagi kaming may ipinaglalaban bilang bansa—una, para sa kalayaan mula sa mga panginoong mananakop. Sa kaso ng kolonisasyong Espanyol, ipinaglaban namin ang kalayaan mula sa tanikalang kolonyal; sa mga Amerikano, mula sa tinatawag ng ibang demokrasyang imperyal. Nitong mga nakaraang dekada, lumaban kami sa diktador at sa tiwaling pamamahala. Lumalaban kami para sa karapatang pantao, at sa karapatang mapakain ang aming mga pamilya. Paano mang dumaloy ang kasaysayan, lagi’t lagi kaming lumalaban. Walang pagkakataong hindi kami lumalaban para sa kung anuman.
Sa panahong ito, lumalaban kami para sa kalayaan ng pamamahayag, na nasiil sa pagsasara kamakailan ng isa sa mga pinakamalalaki naming media network, at ng pagsasakdal sa isa sa mga pinakamatatag naming peryodista. Lumalaban kami para sa mga tao tulad ni Maria Ressa, isa sa mga nagtayo at ang CEO ng Rappler, na isa sa mga nangungunang pahayagan sa Pilipinas. Inaresto si Ressa para sa cyberlibel noong Hunyo ng 2020 para sa isang piyesang inilathala ng Rappler noong 2012—piyesang hindi niya inakda, at na naisulat na bago pa man ipasa ang batas laban sa cybercrime. Kilalang kritiko si Ressa ng kasalukuyang administrasyon; isang administrasyong naging malikhain at maparaan sa pag-usig sa mga kritiko, gaya ng sa kaso ni Ressa. Karugtong nito, lumalaban din kami sa isang anti-terror law na sadyang ipinagtutumbas ang mga kritiko sa mga terorista.
Lumalaban ako para sa karapatang malatahala ang maigsi at biglaang sanaysay na ito, na maaaring tingnan bilang pagbatikos sa gobyerno, gayong ang gusto ko lang namang gawin ay ang talakayin ang mga napapanahong isyu.
Lumalaban ako para sa ligtas na bilihin at ligtas na paghahatid nito sa akin—na ang ibig sabihin ay ang pagpapaligo ng karne’t gulay sa pinalabnaw na sabong Lysol, bago nito daanan ang karaniwang panghugas ng plato. Ibig ding sabihin nito ang pagbati sa mga estranghero nang nakamaskara, nang may face shield, at nang naka-guwantes pang-ospital. Lumalaban ako para sa karapatan sa malawakang testing, na magbibigay-liwanag sa kung gaano na nga ba kalalim ang narating ng virus na ito sa bansa kong napakaraming naghihirap, at kung saan siksikan ang pamumuhay ng mga mamamayan, at isang pakikipagkamay o bahing lang ang layo ng kamatayang dala ng virus.
Lumalaban ako para sa karapatang makita hindi bilang babaeng manunulat, kundi bilang manunulat—na dapat suriin sa parehong pamantayan ginagamit para sa mga kasamahan kong lalaki. Lumalaban ako para sa karapatang hindi na pagdaanan ang alinman sa maliliit na pagsalakay na hinaharap ng babae sa bawat araw ng kayang buhay.
Sa mga araw na itong puno ng lumbay at peligro, lumalaban ako para sa karapatang tumigil na sa paglaban para sa anumang bagay.
(Salin sa Filipino mula sa Ingles ni Mikael de Lara Co)